hmm, kung mata sa mata ang pagbabasehan tama nga siguro na sipain sya mula sa trono. at maaari itong maging modelo o simbolo para sa mga susunod pang gobyerno, pati na rin sa maliliit na gobyerno, upang di na tutulad kay GMA. ngunit, kung iisipin natin, maaari itong gawin nilang "safe zone". ano ang ibig kong sabihin?
dahil sa pamantayan nya bilang cream of the corrupt(crop ng mga presidents) ay naging rason para tama lang na patalsikin siya, ibig sabihin ay kung mas bababa pa sa lebel ng corruption ni GMA ay nasa tolerable level pa ng mga pinoy. ito ay sadyang nakakalungkot na kaisipang tao, ngunit nangyayari.
pero di ko ibig na wala tayong gawin. ang pag-inom ng antibiotic ay tama lang. napapailing lang kasi ang ulo ko sa mga taong umiinom nito na ang sakit naman ay malayo sa impeksyon. tulad ng di maubos na bersyon ng EDSA revolution, though di maitatanggi na may mga tunay na umiibig sa pagbabago sa mga libo-libong nagrarally, di rin kasi natin maitago na mayroong mga nasisingit na rebeldeng di eksaktong alam ang ipinaglalaban.
pero sa puntong ito, saludo ako sa inyo. nakikita ko ang ipinaglalaban nyo. di man eksakto siguro ang ating mga pananaw, meron pa rin tayong common denominator: PAGBABAGO.
sana, magkasalubong ang ating landas minsan: maka-kolaborasyon o makakwentuhan man. padayon kapatid!